Marami Rami Lyrics

1096Gang Lyrics


Guddhist
Marami rami narin yung nangyari samin
Mga lakad na kailangan muna ma***angin
Buhay ay mahalaga di dapat sayangin
Dami kong sinakripisyo sana ay palarin
Tinigilan ko ang bisyo para may makain
Kita mo yung pagbabago sa mga galaw
Sabi nila sakin dati ako ay hilaw
Ngayon tignan mo kung pano ako kuminang
Gusto nila dumikit enerhiya ko mabisa
Mga manikin mga walang pagkukusa
Magagaling lang na manimbang
Malambing yan wag ka magpalinlang
Buhay parang yinyang itim puti ah
Doble kara hindi pwedeng puro pighati lang
Mag isip isip ka wag ka magpadikta
Lalo na kung alam mo na tagilid ka
Wag ka maghabol
Luci J
Marame rame naren kung susumahin mo
Yung pagtatyaga ko sa mga bumabato
Bago to makalipad ginagapang ko
Dami kong inaral bago lumayo
Tumayo sa sarili kong paa nag lakbay kahit pa
Mag isa di nila dapat husgahan pano kinapa
Puro pag dapa ang nakikita ng mata
Tapos mangangalabit pag may resulta na
Kaya gabay ang mga pangyayare
Gabay sayong daanan bago pa umani
Bago ko madale sinipat ko ng marami
Bago ko mabago sinubok ko yung "sakali"
Kung sakali man palarin mapasakin
Itong mga nasa isip pa***angin
Para sa inaambag at maparami
Para sa pamilya sana ay mawari
Saking pag alis ganapan na ang misyon
Salamat sa mga nakadama ng tinugon
Tinuon ko ang oras saking pag dilig
Plano ay nakakamit isip puso ay dikit
Kung magulo hinga pikit
Polo Pi
Marami-rami narin ang pangarap ay lumagare
Sinubok na ang letra na binibigkas ng labe
Dami kong paraan para ito ay ma dale
Sarili ang puhunan bago pa ito mabawe
Yung akalang na lito lagi daw na lumiliko
Katigasan ng ulo ko hubog ng pagka bigo
Lakbay to ng sarili ko kailangan ma buo
Na tututo na ngayon yung batang dati lang loko-loko
Mga sayang na panahon hindi ko na ma babawi
Dala ng kakulitan ng mali na ng yayare
Napag isip-isip ayaw ko na dyan ma-malagi
Malinis ang galaw hindi na uli ma dadale
Youngwise
Marami rami na den mga nawala
Dumagdag ay ganun din sa pag gagala
Natutunan pumirme habang abala
Saking dapat na gawin walang pangamba
Nilakaran ko nalang maayos dahan dahan
Tadhana di haharang di kame kalaban
Kakampi’t katungali tila sarili lamang
Ngunit ang paalala’y dami jan sandalan
Mga kaibigan kong tinuring kapatid
Sa tamis din uuwi pait nang sandali
Dama mo mag wawagi bago pa magapi
Inuna na ang kailangan di pato huli
Dami pa na parating pa iba iba
Lito na sa susundin ayaw makansela
Mga plano na maging amin ang amin ah
Di ‘to sabik sa pansin gaya ng iba di ako sila
Ghetto Gecko
Marami rami na rin mga isipin
Mga ayaw saluhin pero lampalag
Sino sakin sasalo pupulot sa lapag
O kapag akoy hinangin tangayin papalayo
Di na makita sa taas o kahit sa baba
Bata pa ko marunong ng magpakumbaba
Turo sakin ng ama kahit na pasaway
At suportado ng ina kong di mapalagay
At sa mga nawala alam kong di nawala nakabantay lang sila sa aking pag gagala
Pero daming nag iba di na kita ng mata
Kailangan lang tanggapin damahin ng pandama
Yoko lang din magdrama
Ah basta alam mo na
Dami pang pwedeng mangyari atupagin ko nalang bakasakaling matupad din tong mga dalang pangarap sisikapin....yeah
Sarili koy hanapin....




All Artists: 0 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

we all love music